Vice Mayor sa Cebu pumalag sa pagkakasali sa narco-list

 

Iginiit ng isang bise alkalde sa Cebu na isang pagkakamali ang pagdawit sa kaniya sa listahan ng mga narco-politicians na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Vice Mayor Fralz Sabalones ng bayan ng San Fernando sa southern Cebu, nabiktima lamang siya ng mistaken identity, at posibleng ang kapatid niyang si Franz ang tinutukoy ng pangulo.

Ayon kay PO3 Marjukin Misuari ng San Fernando Police Station kung saan tumungo si Sabalones, Linggo ng hapon, sinabi sa kanila ng bise alkalde na hinihinalang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ang kapatid niyang si Franz.

Kasama ni Sabalones na dumulog sa pulisya ang kaniyang asawa at tatlong mga anak na batang babae na pawang nag-aalala sa kanilang sitwasyon.

Kinumpirma naman ni PO1 Charben Sapio na ang nakatatandang kapatid ni Sabalones ay naakusahang may kinalaman sa iligal na droga ngunit ito ay nagtatago na.

Idinetalye naman ng mga pulis sa kanilang blotter report ang posibleng pagkakamali sa pangalan sa pagitan ng magkapatid.

Read more...