Higit P3-M shabu nakumpiska, 8 suspek arestado sa Calamba raid

 

Walong suspek na hinihinalang miyembro ng isang drug syndicate ang nadakip ng mga elemento ng PNP-Calabarzon sa raid na isinagawa sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, information officer ng Calabarzon Police, bukod sa pagkakaaresto ng mga suspek, nakakumpisksa rin ang mga otoridad ng aabot sa P3.7 milyong piso ng shabu.

Naganap ang pagsalakay sa kuta ng mga drug personalities sa Bgy. Looc, Calamba City sa bisa ng 21 search warrant.

Kabilang sa mga nadakip ang mga suspek na sina Mataas Darang, Jabbar Basman, Pantastico Paner, Erick Torres, Robert Cerdeno, Omerah Baute, Lazaro Laganzo at Haji Mamaete.

Ang mga suspek aniya ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng iligal na droga at supplier ng droga sa mga lalawigan sa Calabarzon.

Read more...