Biyaheng-China na si dating Pangulo at ngayo’y special Philippine envoy Fidel V. Ramos para sa inisyal na pulong nito sa mga opisyal ng China kaugnay sa territorial disputes dahil sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Matatandaang si Ramos ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon dahil bagama’t hindi na siya Presidente ng bansa ay napanatili nito ang magandang ugnayan sa China.
Nabatid na kasama ni Ramos na tutungong China ay sina dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan, Chito Sta. Romana, at Sam Jones, apo ni FVR at fluent sa Mandarin language.
Aalis ng Pilipinas ang grupo ni FVR ngayong araw ng Lunesukas , subalit maliban dito ay wala nang ibang detalye hinggil sa biyahe.
Matatandaang naglabas ng ruling ang United Nations arbitral tribunal sa The Hague na pabor sa Pilipinas laban sa China.
Gayunman, patuloy pa rin ang pagmamatigas ng China at itinataboy pa ang mga mangingisdang Pilipino sa ilang isla sa Spratlys.