15 patay sa pagbaha sa Macedonia

 

Labinlimang katao ang nasawi sa flash floods sa Skopje, Macedonia at sa mga lugar na nakapaligid dito dahil sa bagyo noong Sabado ng gabi.

Bukod sa nasabing bilang ng mga nasawi, anim naman ang naitala ng mga pulis na nawawala pa rin hanggang ngayon, habang 22 ang nasugatan.

Isang malaking tipak ng ring road sa Skopje ang natangay ng rumaragasang baha, pati na ang mga sasakyan na napunta sa mga kalapit na kabukiran, ilang daang metro ang layo mula sa kanilang pinanggalingan.

Napuruhan ang northern suburbs ng Skopje sa labis na pagbabaha, maging ang kanilang lungsod.

Tumigil naman na ang pag-ulan pagdating ng Linggo ng umaga ngunit mas maraming ulan pa ang inaasahan pagdating ng gabi.

Read more...