Kabilang sa mga tinukoy ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ay ang mga sumusunod :
• ACETYLFENTANYL – na isang uri ng powerful painkiller na limang beses umanong mas mabisa kaysa sa heroin na ang epekto sa tao ay ang kawalan ng wisyo, hirap sa paghinga, mabagal na pagtibok ng puso at mababang blood pressure.
• MT-45 – isang uri ng piperazine derivative na maihahalintulad sa morphine na ang nagdudulot ng potent analgesic activity.
. PARA-METHOXYMETHYLAMPHETAMINE (PPMA) – isang uri ng droga na maituturing stimulant at pamalit sa ecstasy. Ang epekto nito ay halusinasyon at sobrang pagtaas ng temperature ng katawan na maaring ikamatay ng gagamit nito.
• Alpha-PYRROLIDINOVALEROPHENONE (a-PVP) – isang uri ng psychomotor stimulant na maaring magdulot ng cardiotoxicity, violent behavior at psychotic behavior;
• Para-METHYLAMINOREX (4,4’-DMAR) –isang uri ng synthetic stimulant at maituturing na potentially lethal designer drug;
• METHOXETAMINE (MXE) – bagong uri ng recreational drugna may hallucinogenic properties; at
• PHENAZEPAM – isang uri ng anti-convulsant, amnestic, muscle relaxant, at hypnotic drug na ang epekto ay mahimbing na pagtulog.
Dahil dito ay isasailalim na umano ng mga otoridad ang lisensiya ng mga naturang droga sa regulatory monitoring at import/export permit authorization at aarestuhin ang sinumang nag-iingat ng mga ganitong uri ng droga.