Ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Mike Sueno, hindi pa kumpleto ang listahan na nauna nang inanunsyo ni Presidente Duterte nitong weekend.
Pero ang mga pangalang binanggit aniya ng Pangulo ay beripikado at validated na.
Ani Sueno, ang mga naturang incumbent official ay mahaharap sa kaso at posibleng patawan ng suspensyon.
Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ayaw niyang i-preempt ang Presidente pero tiyak na may iba pang mga pangalan ng mga dawit sa droga ang i-aanunsyo nito.
Nilinaw din ni Andanar na ang drug list ng Punong Ehekutibo ay base sa imbestigasyon ng Philippine National Police, PDEA at iba’t ibang ahensya na nasa ibabaw ng pagsisiyasat hinggil sa mga operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Dagdag pa ni Andanar, ang latest drug list ng Pangulo ay follow-up lamang matapos pangalanan ni Duterte ang limang binansagang Narco-Generals.
Aabot sa 159 na personalidad, kasama na ang mga lokal na opisyal, mga huwes at pulis, ang kabilang sa drug list.