Mayor Espinosa nasa Cebu na, anak na si Kerwin hindi pa rin sumusuko

espinosa bato
Inquirer file photo

Nasa Cebu na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na siyang ama ng wanted na drug lord na si Kerwin Espinosa.

Matapos na paalisin ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa mula sa PNP White House sa Camp Crame, nabatid na lumipad papunta sa Cebu ang matandang Espinosa kasama ang asawang si Emma.

Kasama din umano ni Espinosa sa flight ang dalawa nitong anak at isang nagngangalang Mariel Espinosa.

Nabatid na lumapag sa Mactan Cebu International Airport Espinosa sakay ng ng PAL flight PR 1853 1:08 ng hapon.

Base sa ulat, sinamahan ng Aviation Security Unit-Central Visayas (AVEU-7) ang kapatid ni Espinosa na si Ramon at asawang si Emma pasakay ng isang taxicab habang palihim na sumakay ang mayor sa isang nakaabang na sasakyan.

Ang misis ni Mayor Espinosa ay sinasabing nakatira sa ancestral home nito sa Barangay Hipodromo, Cebu City.

Read more...