3 Pinoy na mga mangisngisda nailigtas sa Indonesia

PCG
PCG

Na-rescue ang tatlong Pinoy na mangingisda matapos mapadpad sa teritoryong sakop ng Indonesia sa loob ng walong araw.

Ang nakasagip sa nasabing mga mangingisda ay ang mga crew member ng LNG Maleo, na isang liquefied natural gas tanker na agad naman na turn-over sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Davao Oriental.

Kinilala ni Angel Viliran, PCG Commanding Officer ng BRP Ilocos Norte ang mga mangingisda na sina Genesis Omilero, Fernando Ganot at Samuel Solito.

Ayon kay Viliran, kinakagat na ang mga mangingisda ng mga alimango at pusit sa lugar dahil sa matagal na pagkaka-babad sa tubig.

Sinabi ng mga biktima na kaya sila napadpad sa katubigang sakop ng Indonesia ay matapos hampasin ng malalaking alon ang kanilang sinasakyang bangka.

Kasalukuyan ngayong ginagamot sa isang ospital sa lalawigan ang mga mangingisda dahil sa kanilang mga sugat sa katawan.

Read more...