P100-M na halaga ng shabu, nasabat sa warehouse sa Angeles City

high-grade-shabuSinalakay ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu warehouse sa Angeles City sa Pampanga, Biyernes ng hapon.

Aabot sa 30 kilo ng shabu ang nasabat sa nasabing operasyon na tinatayang nasa mahigit P100 milyon ang halaga sa warehouse sa Hensonville sa Jasmin Street sa Brgy. Malabanias.

Ayon kay Mayor Edgardo Pamintuan, ang nasabing warehouse ay pag-aari ng isang dating judge at lalaking Chinese na nakilalang si Yiye Chen.

Naaresto ng mga pulis si Chen at nasa ilalim na rin ito ng kanilang kustodiya.

Read more...