Mag-amang Rolando at Kerwin Espinosa, kinasuhan na

Kerwin and Rolando Espinosa SrPormal nang sinampahan ng kaso ang mag-amang sina Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at Rolando “Kerwin” Espinosa Jr.

Ayon kay Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) acting director Chief Supt. Roel Obusan, ang mag-ama ay sinampahan ng kaso sa Albuera Prosecutors Office.

Kasong illegal possession of firearms ang isinampa laban sa mag-ama dahil sa dalawampu’t isang high-powered at 16 na short firearms ang nakumpiska sa bahay ng mga Espinosa.

Maliban dito, ipinagharap din sila ng kasong illegal drug trade dahil sa pagkakasangkot sa distribusyon ng ilegal na droga sa Eastern Visayas.

Si Mayor Espinosa ay kusang nagtungo sa Camp Crame noong nakaraang linggo matapos bigyan ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Habang hinihintay pa rin ang pagsuko ng anak niyang si Kerwin.

 

 

Read more...