15 Pinoy arestado sa pekeng Malaysian ID

MyKadInaresto sa Malaysia ang 15 pawang mga Pinoy umano dahil sa peleng MyKad (Malaysian Identification Card).

Sa ulat ng online news agency sa Malaysia na “the star” unang naaresto ang labingisa dahil sa pagtataglay ng pekeng MyKad sa operasyon ng mga tauhan ng National Registration Department (NRD) sa Kampung Balok.

Ang apat na iba pa ay nadakip naman sa paggawa ng pekeng MyKad sa isinagawang operasyon kaninang madaling araw.

Inilarawan sa balita ang mga nadakip bilang illegal migrants na pinaniniwalaan umanong mga Filipino.

Karamihan sa mga naaresto ay mahigit apat na taon na umanong naninirahan ng ilegal sa Malaysia.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabili umano ang mga pekeng MyKad sa halagang 200 Malaysian Ringgit hanggang 1,900 Malaysian Ringgit.

Sa labinglimang nadakip, labingdalawa ay lalaki at tatlo ang babae na ang edad ay nasa pagitan ng 23 hanggang 55.

 

Read more...