Tatlong “narco-mayors” sumuko sa PNP

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

(UPDATE) Sumuko kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa ang tatlo sa mga tinaguriang “narco-mayors” na kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kusang sumuko kay Dela Rosa si Mayor Mamaulan Abinal Mulok, kasalukuyang alkalde ng Maguing, Lanao del Sur at si Muhammad Ali Abu Abinal na dati namang alkalde ng bayan ng Marantao, Lanao Del Sur.

Maguing Lanao del Sur Mayor Mamaulan Abinal Mulok | Kuha ni Ruel Perez

Ang dalawa ay umamin umanong sangkot sa illegal drug trade sa Quiapo, Maynila pero hindi umano sila nag-ooperate sa Lanao del Sur.

Sina Mulok at Abinal ay downline umano ni alyas “Marimar” na naaresto na noon. Ayon kay Dela Rosa, kay “Marimar” kumukuha ng suplay ang dalawa na kanila namang dini-distribute sa Quiapo, Cavite at Caloocan.

Former Marantao, Lanao Del Sur Mayor Muhammad Ali Abu Abinal | Kuha ni Ruel Perez

Dahil sa pag-amin ng dalawa, sila ay isasailalim sa custodian investigation ng CIDG.

Nangako naman ang dalawang alkalde na makikipagtulungan at magbabagong-buhay.

Matapos ang pagsuko ng dalawang alkalde mula Lanao del Sur, sumuko din sa PNP-CIDG su Mayor Rasul Sangki ng Ampatuan, Maguindanao.

 

 

Read more...