Banta ni Duterte: “Shoot to kill sa mga pulitikong sangkot sa droga”

duterte12Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulitiko na sangkot sa droga na ipapapatay niya ang mga ito sa gitna ng giyera ng gobyerno kontra illegal drugs.

Sa panayam sa Davao City, sinabi ng pangulo na papangalanan niya ang ilang mayor, pulis at kongresista na pinaniniwalang dawit sa kalakalan ng droga.

Iaanunsyo umano ni Duterte ang pangalan ng narco politicians matapos ang pagbisita niya sa mga kampo ng militar sa Capiz at Cebu.

“P—- i– kayo. hindi kayo nag-isip kung saan natin ilalagay ang problemang ito? Buti nalang ako ang Presidente. Talagang ipapatay ko kayo. Kita mo ‘yung ginawa mo sa Pilipinas? Tapos patawarin ko?,” pahayag ni Duterte.

“Kaya my order is shoot to kill kayo. Wala akong pakialam sa human rights. Maniwala ka. I don’t give a sh*t kung ano sabihin. This war against drugs, nagkaroon tayo ng crisis eh,” dagdag ng pangulo.

Babala pa ni Duterte, huwag daw sabihin na governor o mayor sila dahil hindi siya mag-aalinlangan na patayin ang mga ito.

Ayon sa pangulo, ginagamit ng mga opisyal ang posisyon sa gobyerno para magpayaman sa pamamagitan ng mga Pilipino.

 

 

Read more...