Walong bahay, nasunog sa Legaspi City

fireTinupok ng apoy ang walong bahay sa Victory Village sa Legazpi City.

Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal nagsimula ang sunog alas 9:00 ng umaga at naideklarang fire under control alas 10:55 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) faulty electrical wiring ang pinagmulan ng apoy.

Wala namang nasugatan sa sunog, pero lima sa walong bahay bahay ang totally burned at wala nang mapapakinabangan.

Inaalam pa kung magkano ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

 

 

 

 

Read more...