Nakita ang mga shabu habang nagsasagawa ng Operation Greyhound sa biangguan.
Ayon kay Supt.Amelito Fuentes, Jail Provincial Administrator, nagsagawa sila ng inspeksyon sa kulungan matapos makatanggap ng ulat na may bentahan ng shabu na nagaganap sa pagitan ng mga preso.
Nang halughugin ang bawat selda at ang buong pasilidad, natuklasan ang isang lata ng sardinas sa garden.
At nang buksan ang lata ng sardinas, nakita ang dalawang medium sachets at limang small sachets ng shabu sa loob nito.
Hinala ng mga tauhan ng BJMP, nataranta ang presong may-ari ng shabu kaya itinapon na lamang sa garden ang lata ng sardinas nang malamang may gagawing inspeksyon.