Mahigit P73M na halaga ng marijuana, sinira sa Kalinga

marijuanaAabot sa P73,000,000 na halaga ng dully-grown marijuana plants ang sinira ng pinagsanib na pwersa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lalawigan ng Kalinga.

Sa dami ng mga sinirang marijuana, tumagal ng tatlong araw ang proseso.

Ayon kay PDEA Director General Isidro S. Lapeña kabilang sa mga tumulong sa pagsira sa mga marijuana ang team ng PDEA-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa ilalim ng pamumuno ni Director Juvenal Azurin, Tinglayan Municipal Police Station, Kalinga Provincial Police Office, Regional Public Safety Battalion (RPSB), Provincial Public Safety Company (PPSC), Pasil Municipal Police Station at 50th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ilang taniman ng marijuana ang sinira na tinatayang nasa 30,500 square meters ang lawak.

Kabilang dito ang mga plantation sites sa mga bayan ng Chumanchil, Loccong at Tinglayan.

Wala namang naaresto sa isinagawang operasyon sa nasabing mga taniman, pero umabot sa 366,000 na fully grown marijuana plants ang nagawang masira ng mga otoridad na nagkakahalaga ng P73.2 pesos.

 

 

 

 

Read more...