Eroplano ng Gulf Air, nag-emergency landing sa NAIA

Contributed Photo By Bram Livelo
Contributed Photo By Bram Livelo

Nag-emergency landing sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang eroplano ng Gulf Air.

Ayon sa airport police nakaranas ng trouble engine ang Gulf Air flight 155 dahilan para mag-emergency landing ito sa NAIA terminal 1.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) alas 12:29 ng tanghali nang tumawag ang piloto ng eroplano para mag-abiso at naganap ang emergency landing ala 1:33 ng hapon.

Ligtas namang nakalapag ang nasabing eroplano. Ligtas din ang lahat ng 270 na pasahero ng eroplano na pinababa muna at dinala sa departure holding area.

Patungo sana sa Bahrain ang Gulf Air flight 155.

 

Read more...