US Pacific Fleet, tiniyak ang tulong sa Pilipinas

west PH sea-The hague
Inquirer File Photo

Sumama sa seven-hour surveillance flight sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea si US Pacific fleet Commander Scott Swift.

Gamit ang pinakabagong spy plane ng Amerika na P-8A Poseidon, nagsagawa ng surveullance flight upang makita kung hanggang saan ang itatagal nito.

Hindi naman nagbigay ng anumang reasksyon ang Chinese Embassy sa Pilipinas sa isinagawang surveillance flight.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, nakikipag-alyansa sa Estados Unidos ang Pilipinas dahil alam nito na malaki ang maitutulong ng US para matulungan ang bansa sa anumang misyon.

Tiniyak naman ni Admiral Swift na handa ang US sa anumang aksyon at reresponde sa lahat ng paraan.

Bahagi ng plano ng Philippine Navy ang pagbili ng mga bagong P-8A Poseidon Aircraft na magagamit sa pagsasagawa ng mission, surveillance at investigative mission./ Stanley Gajete

Read more...