118 na atleta mula Russia, hindi pinayagang makalahok sa Rio Olympics

Rio OlympicsAabot sa 118 mula sa 389 na miyembro ng Russian team ang hindi pinayagang makapaglaro sa Rio Olympics.

Ito ay matapos na 271 na Russian athletes lamang ang binigyang clearance ng International Olympic Committee (IOC) para makapaglaro.

Ang pasya ng IOC ay kasunod ng ulat ng World Anti-Doping Agency na inilabas noong nakaraang buwan hinggil sa umano ay pagkakasangkot ng Russian athletes sa wide-scale doping.

Ipinanawagan pa ng WADA sa IOC na i-ban sa Rio Olympics ang buong team ng Russia.

Kabilang sa mga napayagan na makapaglaro ng IOC panel ay ang labing isang Russian boxers gayundin ang kanilang mga atleta sa judo at shooting.

Wala namang pinayagan na Russian athlete na makalahok sa weightlifting competition, at may ilan ding atleta na hindi makakalahok sa swimming, rowing at canoeing.

 

 

Read more...