Filipino-Indian na supplier ng party drugs arestado sa Makati

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang isang half Filipino-half Indian sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs sa Barangay Bel Air, Makati City Biyernes, ng madaling araw.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Sr. Supt. Tom Apolinario ang suspek na si Aaron Nari Gidwani, 30 anyos at residente ng Kalipayan Homes, Don Jesus Boulevard, Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Kuha ni Jong Manlapaz

Ayon kay Apolinario, isang poseur-buyer ang kunwari ay nag-order ng party drugs kay Gidwani na nagkakahalaga ng P3,000.

Pumayag naman ang suspek na makipagkita sa buyer sa bahagi ng Burgos Triangle sa Bel-Air.

Nakumpiska kay Gidwani ang 50 kahong Ketamine o liquid cocaine, valium, mga ecstacy tablets, walong bag ng dried marijuana at shabu.

Si Gidwani umano ang nagbabaksak ng mga droga sa mga high-end bars sa Makati Avenue, Rockwell at sa Global City sa Taguig.

Karamihan umano sa kliyente ni Gidwani ay mga dayuhan at mga kabataang party-goers at kadalasang ginagawa ang transaksyon sa mga mall sa Makati at Taguig City.

Itinanggi naman ni Gidwani na nagtutulak siya ng droga. Aniya, ginagamit lamang niya ang mga nasabat ng gamot bilang pampatulog at para sa kaniyang sakit na ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder.

Gayunman, nabigo itong magpakita ng katibayan gaya na lamang ng reseta ng duktor.

 


 

 

 

Read more...