No. 4 most wanted drug suspect, napatay ng MPD

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Napatay ng Manila Police District Station 9 Station Anti-Illegal Drugs Division (SAID) ang  ikaapat sa listahan na drug personalities ng estasyon.

Kinilala ang nasawing suspek na si Erwin Hogaldo, 41 yrs old at nakatira 2381 Arellano Ave., Brgy. 745 Zone 81 Malate, Manila.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang nasawing suspek, matapos itong manlaban sa mga pulis.

Ayon kay PO2 Arvin Elma ng MPD Station 9, isang drug buy-bust operation ang kinasa ng SAID  laban kay Hogaldo at bibili sana ng P500 shabu ang mga pulis pero nakatunog ang suspek hanggang mauwi sa barilan ang insidente.

Nakuha naman sa pangangalaga ng suspek ang isang caliber .38 at ilang gramo ng pinahihinalaang shabu.

Read more...