Pamahalaan, dapat magpalaya ng mga preso

 

FILE PHOTO / RUEL PEREZ
FILE PHOTO / RUEL PEREZ

Kung dati ay sa sardinas na nasa lata pa inihahalintulad ang mga preso sa mga selda, ngayon ay sa longganisa.

Ganito na ang sitwasyon ngayon ayon kay Sen. Ralph Recto sa mga kulungan sa bansa kayat hinihimok niya si Pangulong Rodrigo Duterte na magpalaya ng mga preso na sobra ng tanda, malubha ang sakit at iyong mga nasentensiyahan sa hindi naman karumal-dumal na krimen sa pamamagitan ng parole o pardon.

Aniya, sa ganitong paraan kahit paano ay luluwag ang mga kulungan sa bansa na ang populasyon ay labis ng apat na ulit sa kapasidad.

Dagdag pa ni Recto, kung binabalak ni ginoong Duterte na magpalaya ng mga political prisoners dapat ay gawin niya rin ito sa mga matatanda at maysakit na mga preso.

Banggit pa nito, ang dating Pangulong Noynoy Aquino ay nagbigay lang ng 67 executive clemency sa anim na taon nitong termino at sinabi ni Recto na madali itong malalampasan ni Ginoong Duterte.

Sinabi ng senador dapat na rin aniyang magpalaya ng mga preso dahil sa daan-daan naman na papalit sa kanila dahil sa pinaigting na anti- crime campaign ng administrasyon.

Read more...