Bobby Ongpin nagbitiw bilang pinuno ng Philweb

roberto-ongpin
Inquirer file photo

Nag-resign na bilang Chairman ng gaming firm na Philweb ang negosyantyeng si Roberto V. Ongpin isang araw makaraan siyang batikusin ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umano’y paghahari-harian ng mga “oligarchs” sa bansa.

Sa kanyang resignation na ipinadala sa Philippine Stock Exchange ay sinabi ni Ongpin na binibitawan na niya nag kanyang interes sa Philweb.

Ang Philweb ay nag-ooperate ng mga e-games at internet café na nagtatampok sa iba’t ibang uri ng casino games.

Nauna na ring sinabi ni Duterte na isasara niya lahat ng mga online gambling centers sa bansa.

Kahapon ay pinangalanan ng pangulo si Ongpin na umano’y nakinabang ng husto sa pamahalaan dahil sa pagiging malapit sa mga nakaraang lider ng bansa mula noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ginamit din umano ng naturang negosyante ang kanyang impluwensiya para mabura ang kanyang mga pagkakautang sa pamahalaan.

Kabilang sa mga subsidiaries ng Philweb ay ang BigGame Inc., Premyo sa Resibo Inc., e-Magine Gaming Corp., PhilWeb Convergence Corp. at PhilWeb Asia-Pacific Corp.

Read more...