Kerwin Espinosa nagpadala ng surrender feeler sa PNP

espinosa-bato-620x349
Inquirer file photo

Handa na umanong sumuko ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa base sa kanyang ipinadalang surrender feeler kay PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na nakausap niya si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at sinabi nito na handa nang sumuko ang kanyang anak base sa impormasyon na ipinarating sa alkalde ng kanyang kapatid.

Magugunitang inamin ng nasabing local officials na sangkot sa illegal drug trade ang kanyang anak.

Ayon kay Dela Rosa, handa siyang sunduin sa airport si Kerwin na sinasabing nagpunta sa Malaysia noong June 21.

Mula sa paliparan ay kaagad na ililipat si Kerwin sa pangangalaga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Si Mayor Espinosa ay nananatili sa kustodiya ng PNP dahil ayaw umano niyang lumabas sa Camp Crame dahil sa isyung pang-seguridad ayon pa sa pahayag ng PNP Chief.

Maaari pang makauwi sa kanilang tahanan ang alkalde dahil wala pang kasong isinasampa laban sa kanya.

Kahapon ay napatay ang ilan sa kanyang mga tauhan makaraang makipag-barilan sa mga tauhan ng pulisya sa bayan ng Albuera.

Read more...