Ito ay habang nagsasagawa ng operasyon ang 35th Infantry Battalion para mailigtas ang mga biktima na dinakip ng mga bandido.
Ayon kay Col. Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Force sa Sulu, maaaring sa nasabing abandonadong kampo ikinukulong ang mga bihag ng grupo.
Nakita ng puwersa ng pamahalaan ang may walong bunker o kanlungan ang natagpuang kampo, kung saan kasya ang aabot sa hanggang 30 katao.
May natanggap ding impormasyon ang military na doon ikinulong sa nasabing kampo ang dinukot na Malaysian couple mula sa Sabah./ Stanley Gajete
MOST READ
LATEST STORIES