Agad na inako ng grupong ISIS ang pinakahuling suicide bombing sa Khan Bani Saad, Iraq na ikinasawi ng 120 katao kabilang na ang mga bata.
Sa pamamagitan ng Twitter post ay inamin ng isang grupong nagpakilalang mula sa ISIS ang naturang pag-atake.
Naganap ang pambobomba sa gitna ng selebrasyon ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan. Ayon sa pulis na si Ahmed al-Tamimi, ang mga bangkay ng mga biktima kabilang na ang mga bata ay inilagay na lamang sa mga kahon na nilalagyan ng gulay”.
Napakalakas ng pagsabog at tinatayang nasa tatlong tonelada umano ng mga pampapasabog ang kanilang inihagis sa lugar na maraming tao.
Ayon sa Philippine Embassy sa Baghdad, walang nadamay na Pilipino sa nangyaring pamomomba sa Iraq.
Gayunman, itinaas ng embahada ang babala sa mga Pinoy na huwag mag-biyahe sa Baghdad.
Nakataas pa rin ang Alert Level 4 o mandatory evacuation sa mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Iraq.
Tinatayang nasa 1,200 ang bilang ng Pilipino na nasa Baghdad habang nasa 1,000 naman ang nasa Kurdistan./Gina Salcedo