Aabot sa 10.5 milyon na pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay mahirap.
Ito ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa survey na isinagawa noong June 24 hanggang 27, o ilang araw bago pormal na magsimula ang Duterte administration, 45% ng mga respondents ang nagsabing itinuturing nilang mahirap ang kanilang pamilya.
Mas mababa naman ng bahagya ang nasabing poverty rate kumpara sa 46% na naitala noong April SWS survey.
Ito rin ang maituturing na self-rated poverty rate sa nakalipas na apat na taon, simula nang makapagtala rin ng 45% noong December 2011.
MOST READ
LATEST STORIES