1 patay, 5 sugatan sa mass stabbing sa London

crime-scene-300x200Isang babae ang namatay at lima pa ang sugatan sa naganap na mass stabbing sa Central London.

Sa ulat ng London police, dinatnan nilang duguan ang mga biktima sa Russell Square kabilang ang babae na binawian ng buhay habang ginagamot.

Naaresto naman ang hindi pa nakikilalang suspek na gumamit ng kutsilyo sa ginawa niyang pananaksak.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen at inaalam ang motibo ng lalaki.

Nagtalaga na ng karagdagang pwersa sa lugar malapit sa British Museum sa Bloomsbury matapos ang insidente.

Read more...