Una nang naging target ng vigilante group ang isang lalaking hindi pa mabatid na pagkakilanlan na nasa 40 hanggang 45 taong gulang na naglalakad sa FB Harrison at Don Benito Hernandez Bgy., 76, Zone 10 Pasay city nang tambangan ng anim na katao na sakay ng apat na motorsiklo.
Sa crime scene nakakuha ng sampung basyo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at ang karatula na may nakasulat na “Magnanakaw adik ako wag tularan”.
Sa may bahagi naman ng Beata, Pandacan, Manila, pinasok ng apat na katao na pawang mga nakasuot na bonnet ang bahay ni Faye Feliciano, nagkataon naman na lumabas ito at naiwan ang kanyang ka-live in partner na si Terry Cayubit, 34 yrs. old at siya ang tinambangan ng mga suspek.
Ayon kay Beata PCP Commander Sr. Insp. Arnold Lising, ang napatay na biktima ay kilalang pusher na nagbabagsak ng droga sa may bahagi ng Sta. Mesa, Manila.
Maging ang nakaligtas na si Faye ay nasa watchlist nila at pinasusuko na nila sa Oplan Tokhang.
Sa imbestigasyon lumalabas na nasa walo ang suspek, ang apat na naka helmet ay nag-drive ng motorsiklo habang ang apat na nakabonet ang siyang pumasok sa looban para patayin ang biktima.
Sa tabi ni Terry Cayubit nakita ang isang punit na karatula na may nakasulat na “huwag ako tularan, pusher ako.”