Pulis, patay sa aarestuhing suspek

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Hindi na makakauwi pa ng buhay si SPO4 Edmar Bumagat matapos itong  mapatay ng nasawi ring suspek na si Angelo Tampos  na sisilbihan sana niya ng warrant of arrest sa may bahagi ng Constancia Street, Brgy. Olympia, Makati City.

Sinabi ni Sr. Insp. Ronald Saquilayan, hepe ng Criminal Investigation Section ng Makati City police, maghahain lamang sana ng warrant of arrest si SPO4 Bumagat sa  suspek na si Tampos agad itong binaril ng suspek.

Nang makita ng kanyang mga kasamahan na bumalagta na si SPO4  Bumagat,  agad nang pinaputukan ng mga operatiba ang suspek na ikinasawi nito.

Nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Rico Sebastian Liwanag ng Makati RTC Br.136 laban sa suspek na si Tampos dahil sa kaso nitong murder noong 2015.

Read more...