Con-Con, masyadong magastos-Duterte

 

Inquirer file photo

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtutol nito sa Constitutional Convention bilang pamamaraan sa pagsusulong ng charter change o pag amyenda sa Saligang Batas.

Sa courtesy call ng Parish Pastoral Council For Responsible voting kagabi sa Rizal Hall sa palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Duterte na aabutin sa 30 bilyong piso ang buong operasyon ng Con-Con.

Bukod dito, maabuso lamang ang Cha-Cha kung idadaan sa Con-Con dahil tiyak na ang mga asawa at anak lamang ng mga pulitiko ang makikinabang dito.

Una rito, sinabi ng pangulo na mas pabor na siya ngayon sa Constituent Assembly dahil sa mas matipid ito.

Bukod dito, tiniyak ng pangulo na hindi maabuso ang Con-Ass dahil personal niyang babantayan ang pag amyenda sa saligang batas.

Read more...