Tribute concert para kay Whitney Houston gagawin sa Pilipinas

 

Darating sa bansa ang tribute concert na nakalaan para sa pagbibigay-pugay sa mga awiting pinasikat ng pop supertar na si Whitney Houston.

Ang “The Greatest Love of All: The Whitney Houston Show” ay darating sa Pilipinas sa August  26 at 27 para sa dalawang-araw na concert.

Sentro ng konsyerto ang mga awitin ng yumaong singer na si Whitney Houston na kakantahin ng South African vocalist na si Belinda Davis.

Umaasa si Davis na sa pamamagitan ng concert, mapapanatili ang alaala ni Whitney Houston na maraming pinsakit na kanta sa loob ng tatlumpung taon na karera nito.

Ilan sa mga kanta ni Houston ay ang ‘I Will Always Love You,’ ‘I Wanna Dance With Somebody,’ at ‘Didn’t We Almost Have It All.”

Si Houston ay namatay noong 2012 makaraang aksidenteng malunod sa bathtub ng kanyang tinutuluyang hotel room sa Beverly Hills California dahil umano sa drug overdose.

 

 

Read more...