Gayunman, sinabi ni Castro na sa kanyang personal na pananaw ay dapat ituloy ang halalan pambarangay upang magkaroon ng pagkakataon ang publiko na mamili na ng mga bagong lokal na opisyal at mapalitan na ang mga tiwali.
Ayon kay Castro, may mga barangay official na sangkot sa ilegal na mga gawain gaya ng krimen at drug trafficking. Talamak din aniya ang kurapsyon sa hanay ng barangay officials.
Wala rin daw valid reason para ipostponr ang Barangay polls, kaya marapat na timbangin muna ang panukala. Sinabi naman ni Quimbo na wala pa namang nagkaroon ng botohan hinggil sa eletion postponement, subalit marami talaga ang may gustong ipagpaliban ito.
Balak naman ni Abu na i-atras ang kanyang resolusyong nagpapa-postponr ng Barangay elections.
Ayon kay Abu, inihain niya noon ang resolusyon dahil sa paniniwalang uubrang isabay ito sa Constitutional Convention o Con-Con.
Pero dahil Constiuent Assembly o Con-Ass ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Charter Change o Cha-Cha, wala na aniya basehan ang kanyang resolusyon.