Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, sumailalim sa questioning ng CIDG Legal Team

espinosaSumailalim sa mahabang pagtatanong ng CIDG Legal team si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Alas dos pa ng hapon ng dumating dito sa CIDG HQ si Espinosa kasama ang abugadong si Atty Romeo Esmero, asawa at anak kaharap ang abugado ng CIDG para sa isinasagawang imbestigasyon laban sa Mayor at anak na umanoy drug lord na si Kerwin Espinosa.

Matapos ang mahigit 3 na oras ay lumabas si Espinosa at iginiit ng kanyang abugado na si Atty Romeo Esmero na hindi drug lord o drug protector ang kliente na si Kerwin Espinosa.

Itinanggi rin ni Atty Esmero na mga tauhan ni Mayor Espinosa ang mga napatay sa encuentro kanina sa bahay ng mga Espinosa.

Paliwanag pa ng abugado, July 22 pa lang ay umalis na si Mayor sa bahay sa Binulho Albuera Leyte dahil na rin sa umanoy banta sa kanyang buhay Sa aking pagtatanong sinabi ni Atty Esmero na local threat mula sa umanoy hepe ng pulis ng Albuera na umanoy ipapapatay si Mayor.

Read more...