Bukod sa dobleng pasweldo sa mga sundalo, libre pa ang edukasyon ng kanilang mga anak.
Ito ang ipinangako ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos bisitahin ang mga sugatang sundalo Martes ng gabi sa V. Luna Hospital sa Quezon City.
Ayon sa pangulo, ang libreng edukasyon sa mga anak ng sundalo ang isa sa mga bukod-tanging sukli ng Pilipinas para sa mga nagsisilbi sa bayan.
“Anyway, one of the things that you will have in the fullness of God’s time and si Allah is ‘yung program ninyo, mga anak ninyo, libre na ang edukasyon [applause]. Iyan ang ipinangako ko noon at gagawin kong totoo, hindi ako nangangako ng pabola-bola diyan,” pangako ng pangulo.
Gayunman, hindi na idinetalye ng pangulo kung mula elementrya ba hanggang kolehiyo, at kung sa pribado o pampublikong eskwelahan ba ang alok na libreng edukasyon.
Hindi rin tinukoy ng pangulo kung kailan ipatutupad ang panibagong pangako sa mga sundalo.