There is indeed a list. A target list it appears and it really contains very damaging information especially on the part of certain local officials. Kung kayo ang pangulo na nakatanggap ng intelligence report na ito, sasakit nga ang ulo ninyo, magagalit nga kayo at magdedeklara ka nga ng laban sa mga sindikato ng ilegal na droga.
Kabilang sa naturang listahan ang mag-amang Espinosa. Lumantad na ang natakot na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. dahil sa takot na mapatay o mabaril on sight kaya siya sumuko. Alam na rin natin batay sa kanyang pag-amin na sangkot nga sa operasyon ng ilegal na droga ang kanyang anak na si Kerwin kasabay ng paglilinis ng kanyang sariling pangalan. Malinis lang ang pangalan, idiniin ang anak. Ganyan katindi ang relasyon ng mga taong sangkot at nakikinabang sa sindikato.
Pero kung ang intelligence report tungkol sa mag-amang Espinosa ang pagbabatayan, nitong nagdaang eleksiyon, ang anak na si Kerwin ay gumastos ng P60 milyong piso para sa kampanya ng kanyang ama na tumakbo bilang alkalde.
On the week of the election, nagpalabas ng karagdagang P40 milyong piso si Kerwin para masiguro ang panalo ng kanyang ama bilang alkalde ng Albuera.With an estimated election spending amounting to P100 million, Espinosa won the mayoralty race.
Napatunayan ko: ang mga pangalang nasa listahan ng sangkot sa droga ay subject nga ng operasyon ng pulisya sa ilalim ng Oplan Double Barrel dahil sa ginawa ng operasyon laban sa grupo ni Espinosa. Mahirap na basta ilabas ang nasa listahan dahil target ang mga ito at paano kung sa paghahayag ng pangalan sa publiko na gagawin ng otoridad, may mawala o hindi mabanggit na pangalan? Ano ang iisipin ko? Binura? Nabura? Kulang ang report?
Ano ba ang nakasaad sa intelligence report tungkol kay Kerwin Espinosa?
Ayon sa report na may petsang May 31, 2016, si Kerwin ay nagsimula bilang civilian asset ng Regional Anti-Narcotics Unit (RANU) ng Philippine National Police Regional Command 7 na nakabase sa Cebu. Kalaunan, pinakawalan na ito na mag-solo at hawakan ang operasyon at distribusyon ng ilegal na droga sa Region 8 o sa. Eastern Visayas Region.
Ang bawat asset lalo na sa mga unit ng pulis na inaaasahang sumugpo sa sindikato ng ilegal na droga ay may handler na tinatawag. Puwedeng ito ay isang Jr. ranking officer ng pulis, puwedeng Ito ay pinakamataas na opisyal sa mismong unit o kung minsan, sa mismong regional office.
Sa intelligence report, binanggit na handler at direct supervisor as asset ni Kerwin Espinosa ang isang retiradong heneral na kabilang sa pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kalaunan, ipinasa si Kerwin bilang asset ng Regional
Police Command ng Region 7 na kung saan na-assign sa iba’t ibang posisyon hanggang pinakamataas na posisyon ng naturang rehiyon. Binanggit na rin ni Pangulomg Duterte ang kanyang pangalan at retirado na rin siya.
Sa panahon ng heneral na ito nagsimulang pakawalan si Kerwin Espinosa at ipinaubaya ang operasyon at distribusyon ng ilegal na droga sa buong rehiyon ng Region 8 o Eastern Visayas Region. Ngunit bago nangyari ito, nakilala muna ni Kerwin si Jeffrey “Jaguar” Diaz na isang high value target na illegal drug personality sa Region 7. Ang heneral ang nag-ugnay kina Kerwin at Jaguar. Importante ang kuneksiyong ito ayon sa intelligence report dahil si Jaguar at ang heneral ang nag-ugnay naman sa operasyon ni Peter Co na nasa loob ng National Bilibid Prisons.
Si Jaguar ay napatay na sa isang joint police operation ng Cebu police at Las Pinas police nitong June 17 lamang. Nasa listahan din ng target ng Oplan Double Barrel si Jaguar.
Nang hawak na ni Kerwin ang operasyon at distribusyon ng ilegal na droga sa Eastern Visayas Region, tinatayang nasa 50 kilo kada buwan ang nakukuha nitong suplay Kay Co sa pamamagitan ng drop-off point da Camotes Island. Sa loob ng isang buwan, nasa 200 kilo ng shabu ang ibinababa sa lahat ng bayan at lungsod sa Eastern Visayas na ang estimated street value ay nasa P300-million kada buwan.
Yung mga armadong lalake na nakasagupa ng pulis sa compound ng pamilya Espinosa, bahagi iyon ng private army ng sindikato. Batay sa report, tinatayang nasa 100 ang bilang ng mga .45 caliber, 9mm pistol at 50 high powered firearms ang hawak na armas ng private army ng mga Espinosa.
Noong March 15, 2015, naaresto sa Tacloban ng mga operative ng Criminal Investigation and Detection Group si Kerwin Espinosa ngunit napalaya ito at hindi nakasuhan. Batay sa intelligence report.
Sino yung dalawang retiradomg heneral? Pinangalanan na sila ni Pangulong Duterte at iyon ang basis ng pahayag n’ya sa media. Pero ang tanong, nagtapos ba sa mga retiradong heneral ang proteksiyon at kuneksiyon ni Kerwin Espinosa?
Sagot, batay sa intelligence report, hindi.
Kung mapapatay si Kerwin, dalawang bagay lang, napatay sa operasyon o napatay ng mga otoridad na kasapakat niya sa sindikato. Either way, it is apparent that the end may be near for Kerwin Espinosa. (wakas)