Muling nagpakawala ng ballistic missile ang North Korea.
Batay sa monitoring ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea, pinakawalan ang missile sa karagatan ng North east coast.
Ang panibagong pagpapakawala ng ballistic missile ng North Korea ay kasunod ng mga banta nito sa Estados Unidos na kanilang kokontrahin ang paglalagay ng advanced missile defense system sa South Korea.
Ang nasabing defense system ay ipinangako ng U.S na ilalagay sa South Korea bago matapos ang taon.
Kamakailan lamang, noong nakaraang buwan ng Hulyo ay pinakawalan ng North Korea ng magkakasunod ang tatlong ballistic missile.
READ NEXT
Matataas na kalibre ng baril nasabat sa mga tauhan ng mga Espinosa, hot pursuit, nagpapatuloy
MOST READ
LATEST STORIES