Matataas na kalibre ng baril nasabat sa mga tauhan ng mga Espinosa, hot pursuit, nagpapatuloy

MAP FROM GOOGLE EARTH
MAP FROM GOOGLE EARTH

Umabot na sa labingtatlong matataas na kalibre ng baril ang nasabat mula sa mga bodyguards ng pamilya Espinosa sa Albuera, Leyte.

Alas 5:30 ng umaga kanina nang makatanggap ng ulat ang mga nagpapatrulyang tauhan ng Albuera Police na may mga armadong lalaki sa bahay ni Mayor Rolando Espinosa Sr.

Nang rumesponde doon ang mga pulis, agad silang pinaputukan ng dalawang bodyguards na nasa harapan ng bahay.

Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operations ng mga otoridad, dahil marami umano sa mga armadong bodyguards ang tumakbo sa magkakaibang direksyon nang Makita ang mga rumespondeng pulis.

Kabilang sa mga na-recover na ang 13 high-powered firearms at apat na kalibre 45 na baril.

Ayon sa mga tauhan ng Albuera police, bago at branded ang armas mga bodyguard ng pamilya Espinosa.

Maliban sa mga nasawi, mayroon ding nadakip ang mga pulis.

Wala naman sa Kerwin Espinosa sa bahay nang maganap ang engkwentro.

 

 

 

Read more...