Muling isusulong ng Duterte administration na maibalik ang Reserve Officers Training Corps o ROTC.
Ayon kay Atty. Salvador Panelo, layunin ng planong pagbabalik ng ROTC na subject sa kolehiyo na maipanumbalik ang ‘pagiging’ makabayan ng mga Pilipino.
Ang panukala aniya ay unang inirekomenda ng Commissioin on Higher Education o CHED sa isang cabinet meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Panelo, kanilang pag-aaralan ang mga posibleng amyenda sa NSTP bago ito maipatupad.
Isa sa kanilang naiisip na pagbabago ay ang gawin din na ‘mandatory’ sa mga babaeng college students ang ROTC na kalimitang tumatagal ng dalawang taon.
Sa kasalukuyan, ‘optional’ ang pagkuha ng ROTC sa mga college students sa ilalim ng National Service Training Program o NSTP.
Inalis ang ROTC noong 2001 dahil sa mga insidente ng hazing noon kung saan may ilang kadete pa ang namatay.