Pag-award ng kontrata ng pamahalaan, babaguhin na rin

 

Inquirer file photo

Kung dati, laging napupunta ang kontrata sa pinakamababang bidder, maiiba na ang kalakaran ngayon sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Hindi kasi naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na sa “lowest bid” lagi dapat ibigay ang kontrata para sa mga proyekto ng pamahalaan.

Aniya, kapag lowest bid kasi, masyadong tinitipid ang mga kagamitan.

Nagpaalam na rin aniya siya sa Commission on Audit (COA) na hindi niya susundin ang ganitong kalakaran dahil madalas aniya itong pinagmumulan ng katiwalian.

Ayon pa sa pangulo, hindi dapat isantabi ang kalidad ng mga tatanggaping kagamitan para sa proyekto ng gobyerno.

Samantala, ipinangako naman ni Pangulong Duterte sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maglalabas siya ng P500 million upang ilaan sa mga bagong pasilidad at nang makapagpatayo ng bagong ospital para sa kanila.

Ani pangulo, madalas na isinasakripisyo at itinataya ng mga sundalo ang kanilang mga buhay ngunit kakaunti lang ang gamit sa AFP Medical Center.

Read more...