Lalakeng sumuko sa ‘Oplan Tokhang’,  tinambangan

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang aminadong tulak matapos na sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ at pakiusap ng PNP.

Ito ay matapos siyang tambangan ng tatlong lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa may bahagi ng Bernal St., Rosario Pasig.

Ang biktima ay kinilalang si Fernando Alfonso, 53 yrs old na  nakatira sa Dr. Sixto Ave. Pasig.

Ang biktima ay nagbibisekleta lamang sa may bahagi ng Bernal St., Rosario Pasig ng lapitan siya ng mga armadong suspek at pagbabarilin.

Ang napatay na si Alfonso ay sumuko kamakalawa dahil dati umano itong  nagtutulak ng bawal na gamot.

Read more...