Construction worker, patay sa buy-bust ops ng MPD

 

Patay ang isang construction worker matapos na ikasa ng Manila Police District ang drug buy-bust operation laban sa suspek sagilig ng riles sa Zamora interlink Sta. Mesa.

Kinilala ni SPO2 Charles Duran ng MPD-CIDU ang napatay na suspek na si Aaron Joseph Paular, 24 yrs old, naninirahan malapit lamang sa crime scene.

Sa imbestigasyon, nagpanggap na bibili ng shabu na nagkakahalaga ng P800 ang isa sa miyembro ng MPD station 8 sa suspek.

Pero nakatunog ang suspek at nanlaban sa mga pulis kaya nauwi sa barilan ang operasyon.

Napatay ang suspek sa madamong lugar sa gilid ng riles at nakakuha ang SOCO ng isang granada, .38 caliber na baril limang empty shell at limang sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng suspek narinig nila na sumisigaw si Paular na may tama at papatayin na siya.

Read more...