Suspek sa hit and run sa Pasig kilala na

 

Mula sa Inquirer.net

Nakilala na ng mga pulis sa Pasig City ang suspek na driver ng sports utility vehicle na bumangga at nakapatay sa isang call center agent at nakasugat naman sa tatlo pa nitong mga kasama noong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay case investigator PO3 Edwin Cruz ng Pasig Police Traffic Investigation Unit, ang pangalan ng suspek ay si Baldwin Cham Velasco.

Papanagutin si Velasco sa pagkasawi ng biktimang si Jake Santillas ng taga-Taguig City, at pati na ng dinadalang sanggol sa sinapupunan ni Marinel Rabina na nakunan dahil sa aksidente.

Kritikal ngayon ang kondisyon ni Rabina, habang isinasailalim pa rin sa obserbasyon ang iba pang mga sugatan na sina Juan Carlo Villanueva at Micah Uy.

Narekober ng mga pulis ang Subaru Forester ng suspek na nakaparada sa tahanan nito sa New Manila, Quezon City, Martes ng hapon.

May mga mantsa pa ng dugo ang sasakyan, at nakitaan rin ito ng pinsala na bunsod malamang ng pagbunggo at pag-araro niya sa mga biktima.

Nangyari ang aksidente dakong alas-2:50 ng madaling araw ng Linggo sa isang pedestrian lane sa kahabaan ng Doña Julia Vargas street sa ADB Avenue sa Pasig City.

Read more...