‘Endo’ sa gobyerno pinatutuldukan ni Sen. Ralph Recto

 

Inquirer file photo

Hinamon ni Sen. Ralph Recto ang gobyerno na wakasan na rin ang contractual at casual employment sa gobyerno.

Aniya, makatuwiran lang na maging regular na rin kawani ang hindi bababa sa 100 libong contractual at casual employees sa mga opisina ng gobyerno kung sila naman ay civil service eligible.

Binanggit nito na ang gobyerno ang isa sa mga malalaking tumatangkilik ng oursourced labor sa bansa.

Aniya sa hanay lang ng mga lokal na gobyerno, gumastos ang mga ito noong taon 2014, ng halos P14 na billion para sa suweldo ng mga casuals, contractuals at job order workers.

Kaya ipinanukala ni Recto na taasan ang bahagi ng LGU’s sa Internal Revenue Allotment para matugunan ang suweldo at benepisyo ng mga kawani na magiging regular.

Read more...