Dayuhang turista nalunod sa Mountain Province

 

Inquirer file photo

Patay ang isang turistang Austrian matapos maaksidente sa water rafting sa Chico River sa Bontoc, Mountain Province.

Nahulog sa bangka si Judith Kiesl at limang iba pang dayuhan nang tumaob ito dahil sa pagkakabangga sa isang bato, dakong alas-10 ng umaga ng Martes.

Inahon ang mga turista sa ilog at dinala agad sa Bontoc General Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival si Kiesl dahil sa pagkakalunod.

Samantala, hindi pa inilalabas ng mga kinauukulan ang pangalan ng iba pang mga turistang kasama ni Kiesl sa aksidente.

Read more...