Mga bus sa Cavite Coastal Road, pinadadagdagan ng LTFRB

 

File photo

Asahan ang posibleng kakapusan ng mga pampublikong masasakyan ngayong araw ng Miyerkules para sa mga pasaherong magmumula sa lalawigan ng Cavite tungong Metro Manila.

Ito’y dahil sa pinaigting na kampanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB kontra sa mga ‘colorum’ na UV Express van na bumibyahe sa naturang ruta.

Dahil umano sa anti-colorum operations, nabawasan ang bilang ng mga pampasaherong jeep, van at iba pang sasakyan na bumibyahe sa lansangan nitong mga nakaraang araw.

Upang hindi gaanong maapektuhan ang mga commuter, inabisuhan ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang mga bus operators na mag-deploy ng mas maraming pampasaherong bus sa Cavite Coastal Road ngayong araw, Miyerkules.

Matatandaang nagpalabas na rin ng kautusan ang LTFRB na ipinagbabawal sa mga UV Express Service Vehicles na dumaan sa kahabaan ng EDSA.

 

 

 

 

 

Read more...