2-3 taon pa ang itatagal ng problema sa trapiko-DPWH

 

Inquirer file photo

Umaasa si Public Works and Highways Secretary Mark Villar na mareresolba na ang matinding problema sa trapiko sa Mega Manila sa loob ng 2 hanggang 3 taon.

Sa kanyang talumpati sa Financial Times-First Metro Investment Corp. Summit, inamin nito na ang mahinang imprastratura ang isa sa mga kinakaharap na sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, naghahanap na aniya ng iba pang mga proyekto ang pamahalaan na magpapaluwag sa trapiko sa NCR.

Ito rin aniya ang dahilan kaya’t itataas ng Duterte Administration ang gov’t spending ng hanggang sa 7 porsiyento ng Gross Domestic Product.

Sa 2017 aniya, plano ng administrasyon na iakyat sa 5 percent ang government spending na ‘minimum acceptable level’ ng government spending batay sa global benchmark.

Malapit na rin aniyang matapos ang ilan pang malalaking proyekto tulad ng NLEX-SLEX connector projects at Harbor Link projects at NAIA Expressway at Skyway Extension project na malaki ang maitutulong upang mabawasan ang matinding trapik sa araw-araw.

Read more...