Vice Mayor na karelasyon umano ng drug lord na si Herbert Colangco, nakipag-usap na sa PNP chief

 

Inquirer.net/FB

Nagkaharap na umano sina PNP Chief Ronald Bato dela Rosa at Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog kahapon.

Si Vice Mayor Parojinog ay anak ni incumbent Ozamis City Mayor Parojinog na isa sa mga nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y local executives na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Sa pagharap kay PNP Chief Dela Rosa, iprinisinta ni Parojinog ang makapal na dokumentong magpapakita ng ginagawa nilang kampanya kontra iligal na droga.

Samantala, mahigpit namang bilin ni dela Rosa kay Vice Mayor Parojinog na tiyaking masi-zero o malilinis sa iligal na droga ang buong Ozamis City sa pinaka mabilis na panahon.

Kaugnay nito, tumanggi naman si Vice Mayor Parojinog na tukuyin ang kaugnayan niya sa isa pang napangalanan ni Pangulong Duterte  na si Herbert Colangco na nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison

Bahala na aniya ang pulisya na mag establish ng bagay na ito.

Pero matatandaan sa unang pahayag ni Pangulong Duterte sa Malakanyang na si Colangco ay manugang ni Mayor Reynaldo Parojinog na asawa ng anak nito na si Vice Mayor Parojinog.

Read more...