Russian military chopper pinabagsak sa Syria, 5 ang patay

MI-8Patay ang limang sakay ng isang Russian military helicopter matapos itong pabagsakin habang nasa himpapawid sa bahagi ng Syria.

Ayon sa defense ministry ng Russia, pinabagsak ang nasabing helicopter sakay ang tatlong crew at dalawang opisyal.

Kakatapos lamang mag-deliver ng humanitarian aid sa Aleppo ang Mi-8 military transport helicopter nang ito ay pabagsakin.

Tinawag naman terrorist act ni Lt. Gen. Sergei Rudskoy ang pangyayari.

Hindi pa rin malinaw kung sino ang responsible sa pag-atake.

Dahil sa insidente, umabot na sa labingwalo ang nasasawing Russian forces sa Syria.

 

 

Read more...