Mula Martes ng umaga hanggang hapon, walang nakaalis na biyahe ang Cathay Pacific at Dragonair sa Hong Kong.
Daan-daang pasahero ang na-stranded bunsod ng kanselasyon ng mga biyahe at pagka-delay ng nasa 290 pang flights.
Ramdam na sa Hong Kong ang epekto ng Typhoon Nida matapos maglandfall kanina sa Guandong province sa China.
Naantala din ang trading batay sa anunsyo ng Hong Kong Exchanges and Clearing Limited bunsod ng pagtataas ng Typhoon Signal number 8.
Ayon naman sa Hong Kong Observatory, may mga indikasyon na hihina ang bagyo matapos na maglandfall.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 km kada oras at nagdudulot ng malakas na pag-ulan sa Southern China at sa Hong Kong.